RT-PCR testing ng Davao, pinalawak na para mapaigting pa ang case finding

RT-PCR testing ng Davao, pinalawig na para mapaigting pa ang case finding

DAVAO CITY – Pinalawak pa ng lokal na pamahalaan dito sa lungsod ang testing sa lahat ng close contacts sa mga nag-positibo sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Mayor Sara Duterte sa kanyang programa sa Davao City Disaster Radio kahapon (Abril 5) na kung saan ayon pa sa alkalde, ang expanded testing ay bahagi ng mga hakbang ng lungsod para mapaigting pa nito ang case finding sa mga komunidad upang mas madaling matukoy at ma-isolate ang mga nag-positibo sa COVID-19.

Dagdag ng alklade, sinasamantala rin ngayon ng lungsod ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa paghahanap ng mga positive cases sa pamamagitan ng mandatory reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) testing di lang ng mga F1 or close contacts sa mga positive cases kungdi pati na sa mga F2 at F3 .

“Through the DQR, we are trying to expand the testing F2 and F3. Kaniadto ang F2 and F3 dili nato na sila gina-testing , atua lang na sila ginapa standby, self monitor nga kung mag-positive ang F1, ayha pa sila i-refer for testing. But karon, gina-try nato i-reach out ang atuang testing until sa F2 and F3 close contacts,” ayon pa sa mayor.

Sinabi ng alkalde na mas pinaigting pa ngayon ang kampanya sa lokal na gobyerno sa tamang paggamit ng DQR para umano ma-maximize ang paggamit sa nasabing sistema para sa contact tracing.

“Duna nay instruction ang atuang health group nga kalakip sa tracing kadtong pagpa-test sa mga F2 ug F3,” saad ng alkalde.

Aniya, target ng lungsod ng Davao na makapagsagawa ng isang libong tao na isasailalim sa RT-PCR test bawat araw. Sa kasalukuyan, aabot lang sa apat na raan bawat araw ang isinailalim sa nasabing test.

Makakatulong umano ang nabanggit na hakbangin para sa mabilisang pag-manage ng kaso ng COVID-19 sa mga komunidad at mas madali na rin ang pag-isolate sa mga magpopositibo sa testing.

Samantala, sinabi din ng alkalde na batay sa isinagawang reporting at contact tracing, lumabas na nasa workplaces naitala ang pinakamataas na transmission na sinundan naman sa households.

“Kadaghanan sa atong reporting at contact tracing nga nahitabo is ang highest nato ang workplaces nga dili lang sa hospital settings but kanang regular offices and establishments. Mao na ang pinakataas nato nga transmission and apil na diha ang household nga naay positive then natakdan niya ang iyahang mga kauban sa balay,” saad ni Mayor Sara.