Pintor na 4P’s beneficiary, huli sa buy-bust operation

Pintor na 4P’s beneficiary, huli sa buy-bust operation
(Photo courtesy of Davao City Police Office)

DAVAO CITY – Naaresto ng mga pulis ang isang pintor na benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa buy-bust operation kamakailan sa Jacinto Street, Barangay 23-D dito sa lungsod.

Nahuli ng Talomo Police ang isang 44 anyos na si Vicente Unday, residente ng Piapi Boulevard na umanoy sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Narekober sa kaniya ang isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P8,000.

Matatandaan na noong biyernes, timbog din sa mga awtoridad ang isang construction supervisor at tauhan nito sa isa ring buy-bust sa Barangay Buhangin.

Nakilala ang mga ito na sina Ericson Fordaliza, 42, construction supervisor at Chester Montero, 35 anyos na pawang nakatira sa Buhangin District.

Nasamsam mula sa dalawa ang 6.2 gramo ng shabu na may halagang P55,800, motorsiklo at buy-bust money.

Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.