Empleyado ng PLDT, tiklo sa buy-bust

Empleyado ng PLDT, tiklo sa buy-bust
(Photo from Davao City Police Office)

DAVAO CITY – Swak sa kulungan ang isang 37-anyos na lalaki matapos na maaresto ito ng mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation sa Pioneer Gate 2, near Bernardo Carpio, High School, Buhangin sa lungsod na ito kaninang madaling araw (Pebrero 28).

Kinilala ng Davao City Police Office ang suspek na si Stephen Villegas Ebo, empleyado umano ng PLDT at nakatira sa Buhangin dito sa lungsod.

Nakumpiska mula kay Ebo ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na isang gramo at may Dangerous Drugs Board value na P15,000 at buy-bust money na P500.00.

Sasampahan si Ebo ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.