Community pantry na lumabag sa social distancing, pinatigil ni Mayor Sara

Davao City Mayor Sara Duterte
Davao City Mayor Sara Duterte. NF File Photo

DAVAO CITY- Agad na ipinahinto ngayong araw (Abril 26) ni Mayor Sara Duterte ang isang community pantry sa may Quimpo Boulevard dahil sa kabiguan ng mga organizers na maipatupad ang social distancing.

Sa kanyang programa sa Davao City Disaster Radio, sinabi ng alkalde na kanyang tinawagan ang pulis upang ipahinto ang pamimigay ng food assistance sa nasabing community pantry matapos makatanggap ng ulat na nagsisisikan ang mga taong naka-pila at hindi na nasunod ang social distancing.

“Kaganina duna tay gipa-disperse na isa ka community pantry, gipapauli nato ang mga tao because clearly the organizers di siya kabalo kung paunsa niya buhaton nga dili mag-violate og minimum public health standards ang ilang community pantry. So, gi-advisan sila to stop it, paulion ang mga tao. Plan tonight on how they will go about it and reopen tomorrow with the implementation of the health protocols,” saad ni Mayor Sara.

Ayon sa alkalde, binigyan nito ng pagkakataon ang organizer ng pantry na maipagpatuloy ang pamimigay ng tulong hanggat makabuo ito ng plano upang masigurong hindi makompromiso ang minimum public health standards lalo na ang social distancing. 

“Ang pinaka-importante sa mga community pantries since people line-up. Number one dapat naa gyuy distancing dinha and masunod kanunay ang distancing dili pwede sa sugod lang, dapat consistent ang implementation sa distancing,” dagdag ng opisyal.

Dagdag ni Mayor Sara “ ang number one nga amigo o gusto sa COVID-19 is mass gathering.Diri gyud na malipay ang COVID-19 and if your community pantry cannot control and cannot implement public health standards especially sa distancing pagdaghan ang tao ,then ma-defeat ang atong purpose nga makatabang ta ug mga tao because most likely this will also be the source of transmission,” ayon pa kay Mayor Sara.

Sa ngayon, ayon sa alkalde wala pang planong magpalabas ng guidelines ang lokal na gobyerno para sa pagtatag ng community pantry subalit nanawagan ito sa mga organizers na siguraduhing makikipag-ugnayan ito sa mga barangay, pulis, ay sa Public Safety and Secuity Command Center (PSSCC) para sa crowd control.

“There was a discussion kanina if permits are in order, pero wala pa na siya sa pagkakaron because we referred it to the city legal office kung kinahanglan pa ba ug mga ing-ana. But sa pagkakaron, its just the same advise that we gave last year to all the private group and sectors who want to distribute directly diha sa community make sure that you have proper coordination with the barangay or with the Davao City Police Office if you cannot manage on your own, ang crowd control. But, kung kabalo mo kung unsaon na siya or duna namoy ensaktong plano paunsa ma-implement inyo public health standards then wala tay problema ana. Pero if you think that you cannot do it alone, you ask for help from the barangay, pulis or PSSCC,” saad ni Mayor Sara.