Bubongan hindi hadlang upang ipagpatuloy ang pangarap sa gitna ng pandemya

(Photo: from MILO Philippines)

DAVAO CITY – Hindi maipagkaila na dahil sa pandemya na sanhi ng COVID-19 maraming Pilpino ang nawalan ng pag-asang mangarap na magtagumpay sa buhay.

Ilan sa taong may pangarap na naapektuhan ng pandemya ay ang mga atleta, maraming atleta ngayon ang nawalan ng pag-asahang mag insayo ng todo para sa kanilang pangarap dahil nakakulong lamang sila sa kanilang mga bahay bunsod ng pandemya.

Maraming mga atleta ngayon ang hindi makapag-ensayo ng maayos dahil ipinagbabawal pa ng pamahalaan ang face-to-face training para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Upang matulungan ang mga atleta at ang mga ordinaryong tao na ipagpatuloy ang pangarap sa gitna ng pandema inilunsad ng Nestle Philippines sa pamamagitan ng sports drink nitong Milo ang kampanya na ipagpatuloy ang ang pangarap lalo na sa mga kabataan kahit nasa bahay lamang ang mga ito.

Gawing inspirasyon ang mga beteranong bayaning atleta ng bansa

Ayon kay Lester Castillo, Assistant Vice President ng Nestle Philippines para maenganyo ang mga kabataan na ipagpatuloy ang pangarap nila sa kabila ng pandemya inilunsad nila ang “Mula Noon, Hanggang Ngayon – Tuloy ang Pagiging Champion”, isang kampanya sa sport sa pamamagitan ng producto nilang MILO.

Ipinaliwanag ni Castillo na ang adbokasiya ay naglalayong ipamulat sa mga kabataan ngayon ang kagalingan at tagumpay ng mga beteranong atleta natin kagaya nina Japoy Lizardo ng Taekwondo at Chris Tiu ng Basketball.

“It does not mean that you have a roof over your head that you stop dreaming,” bulalas ni Castillo.Inihayag ni Castillo na noong kasikatan ni Tiu sa basketball maraming mga kabataan ang nagpalista sa Milo Best Center basketball program ng Milo para matutu silang mag basketball kagaya ng idolo nilang si Tiu na dati ring estudyante ng Milo Best Center basketball program.

Naniniwala si Castillo na hindi humihinto ang mga pangarap natin dahil lamang sa pandema. Naniniwala pa ito na ang magandang inspirasyon para ipagpatuloy ang pangarap natin lalo na sa larangan ng sports ay ang mga kagalingan at tagumpay ng mga beteranong atleta natin ngayon.

“You can always train at home and make some makeshift training equipment so that you can continue to pursue your dreams,” paliwanag ni Castillo.

Naniniwala din si Castillo na may malaking papel ang mga magulang na hubugin ang kakayahan ng kanilang mga anak para maging magaling hindi lamang sa sports kung hindi sa ipa pang larangan ng buhay.

“As parents, we should also do our role of motivating our children,” dagdag ni Castillo.Dinagdag pa ng opisyal ng Nestle Philippines na hindi lamang medalya at popularidad ang maibibigay ng sports kung hindi mga magagandang asal sa buhay kagaya ng disiplina.

Inihayag ni Castillo na kung hindi man maging matagumpay sa sports maari din gamitin ng sino man ang mga aral sa sports gaya ng disiplina at pagpupursige para maging matagumpay sa buhay.

Ginamit ni Castillo si Capt. Brooke Castillo bilang halimbawa sa mga taong hindi naging matagumpay sa sports ngunit naging matagumpay pa din sa buhay.

“Dating manlalaro ng taekwondo si Brooke Castillo ngayon siya ang 1st Filipina commercial jet captain,” pahayag ni Castillo.Masayang inihayag din ni Castillo na sa kabila ng pandemya nakapagtala pa din ng 40,000 enrollees sa buong Pilipinas ang online Milo sports clinic.

“We are very happy that many of our children still want to learn about sports even in their own homes,” dagdag pa ni Castillo.Malaki ang tiwala ni Castillo na ang advocasiya sa sports ng Milo ay makapaghikayat ng maraming kabataan na ipagpatuloy ang kanilang pangarap sa sports at sa iba pang aspeto ng buhay sa kabila ng pandemya.

“Training in view of adversity always forms your character and values in life,” bulalas ni Castillo.