72-hours negative RT-PCR test result, planong ipatupad sa buong rehiyon para sa mga Non-APORs na papasok sa Davao Region

DAVAO CITY- Kabilang sa iminungkahi nang lokal na pamahalaan ng Davao upang mas lalo pang higpitan ang border entry sa Davao Region ay gawing requirement ang pagpapakita ng negative Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test results para sa mga Non-APORs (Authorized Person Outside of Residence) o mga land travelers na di essential ang travel tulad ng bakasyon.

Sa isang panayam kamakailan kay Davao City Health Officer at City COVID-19 Task Force Focal Person Doctor Ashley Lopez, sinabi nito na ang pagrerequire ng negative RT-PCR test results na di lalagpas sa 72 oras para sa mga inbound travelers ay bahagi lamang ito ng paghihigpit ng Davao upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 lalo pa na sinasabing may nakapasok na na mga bagong variant ng COVID-19 sa karatig na rehiyon.

Tanging resolusyon na lang ang hinihintay mula sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG) 11 ukol sa nasabing polisiya na ipapatupad sa lahat ng border ng Rehiyon Onse.

Kung matatandaan, sinabi kamakailan ni Mayor Sara Duterte na humihingi ito ng pag-apruba mula sa RIATF para sa nasabing hakbang na maglilimita sa mga Non-APORs na pumasok sa lungsod liban na lang kung ito ay negosyo, trabaho, at medical comcerns.

Samantala sa panayam ng News Fort noong Biyernes kay DILG 11 director Alex Roldan na kanila pang hiningan ng komento ang mga Local Government Units (LGUs) hinggil sa nasabing restrictions.

Ipinaliwanag nito na diniscourage lamang ng nasabing polisiya ang mga non-essential travels.

“Ang gudelines mogawas na kay gipa- comment namo sa mga Local Government Units (LGU). Gi-discourage lang ang non-essential travels. Daghan man gihapon exemption. Sige lang mugawas na ni basi Monday. Kay naa pa mi nadawat comments sa mga LGUs karon,” saad ni Roldan.

Binigyang linaw ng opisyal na hindi ito pagsasara sa hangganan ng Davao Region.